Ruby POV: Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. May isang lalaking naka damit na puting uniporme na nakatayo sa paanan ko. "Nasan ako?" Dahan dahan akong bumangon kahit ang sakit ng buong katawan ko. "Nasan ako?! Bakit ako nandito?" Lumapit siya sakin ng dahan dahan. "You're in my house. I'm a doctor." Tumingin ako sa buong paligid ng maalala ko ang buong pangyayari. Hinawakan ko agad ang aking tiyan. Bakit maliit ito? Bakit di ko maramdaman ang maliit na umbok? Bakit parang wala ng laman? Bakit ang gaan? "Anong ginawa niyo sa baby ko?! Buntis pa ako diba? Diba hindi naman napano ang baby? Please answer me!" Nagwawala na ako ng mga oras na yon. Hinang hina ang buong katawan ko at pingilan niya ako sa pagwawala. "Hey miss please calm down." "Sagutin mo ang tanong ko!" Humaha