KABANATA 66 TRUTH DUMULOG na nga kami sa hapag upang sabay-sabay na kumain. Hindi ko mapigilang tumaas ang kilay sa dami ng pagkain ngayong umaga na tila may inaasahan itong bisita. "May bisita pa ho ba kayong parating bukod sa amin, lo?" Hindi ko na napigilan pang itanong dito. "Wala naman, hija. Unexpected pa nga ang pagdating n'yo." Bahagya pa itong natawa habang hinihigop ang kaniyang mainit na gatas. Tumango lamang ako dito matapos ay sinulyapan si Tunner na siyang relax na relax habang panay ang subo ng hotdogs. Kumunot naman ang noo ko dito at nagsa walang kibo na lang. "Kamusta pala ang launching ng bagong produkto ng Red Cosmetic? Balita ko successful? And how about Katarina?" Binaba ko ang hawak na kubyertos at nagpunas ng tissue bago sumagot. "The launching was good,