KABANATA 44 El Nido Palawan Ngayong araw ang uwi namin sa Palawan. Hindi ko inaasahan na sasabay sa pagbalik namin sina Alec at Savinna. Gusto raw nilang magbakasyon ngayon ay napili nila ang El Nido kung saan ginaganap ngayon ang photoshoot. Doon na rin ang diretso namin dahil aabotin pa ng ilang araw ang photoshoot doon. Sa isang resort sa El Nido na kami dumiretso. Ngunit bago pa 'yon ay panay na ang tukso sa amin ni Savinna bagay na hindi ko na lang pinansin. Habang sakay ng sasakyan patungo sa resort ay siniko ako ni Savinna. "Sabihin mo anong nangyari sa inyo kagabi?" bulong niya. Mabilis akong sumulyap kay Tunner na katabi ko lamang din matapos ay bumaling kay Savinna maluwang ang ngiti sa'kin. "Wala, hinatid n'ya ako sa condo, tapos wala na," sagot. Kumunot at noo n'ya mata