KABANATA 57 SECRET LOVER NANG gabing 'yon ay lumabas kaming dalawa upang mag dinner na magkasama. Dinala n'ya ako sa isang korean restaurant. Hindi naman ako magkamayaw sa dami ng pagkain sa aking harapan. Inumpisahan ko nang kumain at talaga naman nag-enjoy ako. Naisipan ko rin subuan si Tunner ng letuce na may palamang pork stripes at kimchi. "How was it?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakangiti nang maluwang sa kaniya. Tumango naman ito sa'kin habang nginunguya ang pagkain. Mas lalong lumuwang ang mga ngiti ko matapos ay muling gumawa upang isubo muli sa kaniya. Hindi naman ito tumanggi. Iyon nga lang ay parang namumuwalan na ang bibig n'ya habang panay ang tango sa'kin. Ngumuso ako, pwede naman siyang tumanggi kung nabubulunan na siya, pero hindi n'ya ginagawa kaya humila ak