KABANATA 52 MARRIAGE FOR CONVENIENCE BAGO pa lumala ang sitwasyon ay hinarap ko na sina lolo at Don Anselmo. Humalik ako sa pisngi lolo at nagmano rin kay Don Anselmo. "Anong ibig sabihin ni Luke?" tanong agad ni lolo na siyang nakakunot ang noo sa'kin. Huminga pa ako nang malalim at sumulyap kay Don Anselmo na hindi inaalis ang mga mga titig sa'kin. "Doon ko naman naramdaman ang kamay ni Tunner na humaplos sa aking balikat. "May relasyon ho kami ni Desserri, senyor Francisco," aniya kay lolo. Sa puntong iyon ko siya tiningala ng tingin at kita ko ang pagkaseryoso ng mukha n'ya na hindi inaalis ang tingin kay lolo. "Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito, apo?" Kumunot ang noo ni lolo. Agad na humataw sa kaba ang aking puso nang makita ko ang ekspresyon ng mukha n'ya sa'kin. Sa tant