Kinanukasan ay naging okay na rin ang paa ni Ivory. Hindi na rin siya nahihilo kaya ni-discharge na siya sa maliit na clinic na iyon. Dinala na muna siya ni Caleiah sa pinagsi-stay han nitong hotel di kalayuan sa pinag-admit-an sa kanya. Doon niya nalaman na ang kinaroroonan niya pala ay isang isla sa Cebu. Maraming tourist spots doon kaya dinadagsa ng turista. Malayo ito sa mainland Cebu. Kakailanganin pang sumakay ng ferry bago ka makarating doon mula sa mainland Cebu. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong pier ang pinanggalinyan ng ferry na sinakyan niya at nakaabot siya rito. Ang sabi ni Caleiah ay napilitan daw sa Bantayan Island dumaong iyong ferry na sinakyan niya dahil may nakaabang ng mga pulis sa pagdadaungan sana nito sa Cebu mainland. Mabuti na lang pala talaga