Buo na ang desisyon ni Ivory. Tatanggapin niya ang offer ni Caleiah. Kakausapin na rin niya si Xamuel tungkol doon. Bumuntong-hininga siya. Ilang araw na lang at aalis na rin naman siya rito. Babalik na sila ng Manila. Nilibang niya lang ang sarili sa pagtulong kina Caleiah. Bawat araw na dumadaan mas lalo niyang na-aappreciate ang pagiging doctor. Mas lalo rin siyang naging motivated para roon. Hindi niya pa nasasabi kay Cali na tatanggapin niya ang offer dahil medyo busy rin sila nitong mga nakaraang araw. Nitong mga nakaraang araw ay panay na rin ang pag-uusap nila ni Jasmin. Dito niya kasi kinakamusta si Ivo. Miss na miss niya na rin ang bata. Medyo nagi-guilty pa siya at muntik na siyang umuwi noong isang araw para sa gatas ni Ivo. Pero agad naman siyang sinabihan ni Jasmin na wa