Kinabukasan, hindi muling lumabas ng kwarto si Ivory. Nang puntahan siya ni Sally ay sinabihan niya lang ito na doon na lang muna siya kakain. "Wala si Mieralyn sa ibaba. Sigurado kang ayaw mo munang bumaba?" tanong ni Sally sa kanya habang kumakaon siya. Karga karga nito si Ivo. "Mamaya na lang po siguro. Papaarawan ko si Ivo." Bumuntong-hininga si Sally at napatitig sa kanya. "Huwag ka nang mag-alala, Ivory, Hinding hindi na mauulit iyon nangyari kahapon. Hindi hahayaan iyon ni Xamuel. Kinausap niya na rin si Mieralyn." Ngumuso siya at hindi sumagot. Wala na siyang pakialam kung anong ginawa ni Xamuel sa babaeng iyon. Ang tanging concern niya lang talaga ay ang bata na muntik nang mapahamak kahapon. Kapag naiisip niya ang nangyari kahapon ay kumukulo na naman ang kanyang dugo