Chapter 1

1017 Words
Chapter 1   Amarha's P. O. V    Tumingin ako kay Daniel.    "You thought it was me? Nah, that's not my kid. It's his," ani Daniel at tinuro si Nathaniel.   "Buntis ka? Naloloka na ako!" sigaw niya pa at nagpalakad-lakad.   Nanghihina akong napa-upo sa sofa at napatitig sa kawalan.   Akala ko si Daniel ang ka-s*x ko. Nagkamali ako. Kakambal niya 'yon, ang bakla niyang kakambal.   "B-bakla ka?"   "Babae ka? Nakipag-s*x ako sa babae? Yuck! Kadiri!" sigaw niya.   I thought lalake sila pareho dahil sa media ay pormal silang mga lalake. Nathaniel is wearing a man's clothes.   "Bakla ang nakabuntis sa akin?" tanong ko sa sarili ko.   “Oo, bakla ako, kapag pinagkalat mong bakla ako, ipapakulong talaga kita!" sigaw niya pa.   "Ang kapal naman ng mukha mong bakla ka! Hindi ko rin tanggap na isang bakla ang nakabuntis sa 'kin!"   Akmang sasabunutan niya ako pero hinila ako ni Daniel papunta sa likod niya.   "Wait! Nothings gonna happen if you won't talk seriously," Daniel said and faced me, "Sigurado ka bang kakambal ko ang ama niyan?"   "Oo, hindi pa ba sapat na natatandaan niya ako?" tanong ko at tinuro si Nathaniel.   "I just saw your face twice while I'm having s*x with you, yuck!" ani Nathaniel.   "Ang arte mo naman, e umungol ka nga!"   Nanlaki ang mga mata niya at akmang susugurin ako pero pinigilan siyang muli ni Daniel.   "Stop! You can't hurt a pregnant woman! Baka ikaw pa makulong diyan," ani Daniel.   Napasapo ako sa noo ko. Sobrang laking pagkakamali na siya pala iyon at hindi si Daniel.   "Paano na ako? Lagot ako nito kay Mama..." bulong ko.   "Kung hindi ka naman kasi malibog. Hindi mo papasukin ang room ko. I'm drunk that time and horny, I didn't think right," ani Nathaniel.   "Nathaniel--"   "It's Natalie."   "Putcha naman." Inirapan ko siya, "Natalie, dahil ikaw ang ama nito, baka naman pwede mo ako tulungan sa bata na 'to," pakiusap ko.   "Ano pa nga ba? Genes ko 'yan," aniya at napahalukipkip.   "What should we do now? Should we tell Mom and Dad?" tanong ni Daniel kay Nathaniel.   Umiling naman si Nathaniel.    "Big trouble..." bulong ko.    Tumunog ang cellphone ni Daniel. Nag-excuse siya at lumabas saka sinagot ang tawag. Naiwan kaming dalawa ni Nathaniel.    "Kailangan natin sulusyonan 'yang bata na 'yan. I don't want to be an irresponsible mother--"    "Father," pagco-correct ko.    "Epal ka," aniya at inirapan ako. "I will support you, secretly."    Napangiti ako at napakamot sa ulo ko. Paano naman sa magulang ko?    "A-ang problema ko kasi--"   "Chaka ka! Problema mo na 'yan. Basta 'yung bata lang ang sagot ko!" aniya at tumalikod.    Akmang iiwanan na niya ako pero hinila ko ang damit niya at napaluhod.    "Wait!" sigaw ko at niyakap ang binti niya.    "What the hell are you doing?"    "Nathaniel! Kailangan may maihaharap ako sa pamilya ko na Ama ng bata na 'to! Please!" pagmamakaawa ko.    Tumingin siya sa akin at pumamewang.    "Bitaw!" aniya.    Umiling ako.   "Kumuha ka na lang ng lalake diyan. I'm done with you!" aniya.    "P-please..." naluluha kong sambit.    Ang hirap nito. Nagsisi na ako sa ginawa ko. Mali talagang magdesisyon habang lasing.    "Fine!" sigaw niya kaya napabitaw ako sa binti niya at tumayo.    "Talaga?" tanong ko at napangiti.    "But what if the public knew that I got you pregnant?" tanong niya.    Oo nga pala, may iniingatan siyang pangalan at reputasyon.    "Hindi! Kapag nalaman naman nila Mama na kagaya mo ang Ama ng dinadala ko. Papayag sila at hindi magagalit sa akin. Maiintindihan naman nila na secret lang," sabi ko.    Tumingin si Nathaniel sa relo niya.    "Aalis ka na ba?" tanong ko.    "Yes, I have a work to do," maarte niyang sabi.    "Pwede bang--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang binuksan niya ang pinto sabay lakad palabas.    Naiwan akong mag-isa sa opisina ni Daniel. Kinuha ko na lamang ang pregnancy test ko at ultrasound saka lumabas.    Habang papasok ng elevator ay nakita ko mula sa reflection ang buhok kong nakatikwas dahil sa sabunot ni Nathaniel.    "Bakla siya?" hindi ko makapaniwalang sambit.    Nang makasakay ako sa elevator ay hinanap ko ang suklay sa bag ko. Biglang may mga lalakeng pumasok. Umatras ako at magsusuklay na sana pero narinig ko ang pamilyar na boses.    "The new products will be released tomorrow--" na pahinto sa pagsasalita si Nathaniel nang magtama ang mga mata namin.    He looks so decent and formal right now.    "Clear my schedule on Friday, may lakad ako," aniya sa lalakeng katabi niya.    "Yes sir!"    Akala mo kung sinong boss pero kung sabunutan ako, madam ang galawan.    Paglabas sa elevator ay dumiretso na ako sa labas para mag-abang ng jeep. Tinapat ko sa ulo ko ang envelope dahil sa init. Kailangan ko maunang sumakay ng jeep, madami kasi akong kasabayan at mukhang makikipag-unahan pa sila.    Huminto ang isang jeep, kagaya ng inaasahan ko ay ang daming naunang sumakay kaya hindi na ako nakapasok dahil puno agad ang jeep. Umatras ako para maghintay pa ulit ng jeep.    "Punyeta naman. Pharmacist na ako pero naghihirap pa rin," bulong ko.    Halos lahat kasi ng pera ko ay binigay ko lang kay Mama para sa kuryente at tubig. Tuition pa ng kapatid kong dalawa. Ako ang panganay kaya ako ang inaasahan. Tapos ngayon... Buntis pa ako, yari talaga ako kay Mama.    Biglang may kung sino ang humila sa akin. "Aww!" daing ko.    "Come." nagulat ako nang makita ko si Daniel.    Hinawakan niya ang kamay ko at hinila patungo sa kotseng itim. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman ako doon.    "Bakit?" tanong ko kay Daniel nang makaupo siya sa Driver's seat.    Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at hinila ang seatbelt. Tila ba huminto ng ilang segundo ang tibok ng puso ko.    "I'm sorry for what my brother did to you," he said.    I smiled, "Okay lang, kasalanan ko rin naman."   "I also have a younger sister, Elide. If she's also pregnant, I can't let her go home alone," aniya.    Napangiti ako. Daniel is such a gentleman. Magkaiba sila ni Nathaniel, bwisit ang bakla na 'yon. Kung sana lang talaga ay si Daniel na lang ang Ama ng anak ko.    "Tell me your address."    ************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD