Bumalik s'ya sa trabaho na may ngiti sa mga labi. Wala naman talaga s'yang dapat ipag-alala dahil mahal s'ya ni Gael. Isa pa ang dami na nilang pinagdaanan ni Gael, ang dami ng sinugal ni Gael para sa kanya, ngayon pa ba ito sisira sa pagsasama nila? "Wow ha, ngiting nadiligan," biro ni Camille sa kanya ng mapadaan sa front desk. Sanay na s'ya sa mga biro ng kaibigan sa kanya. Ngumiti lang s'ya at iniling ang ulo, ramdam ang pamumula na pisngi n'ya. Kanina kase sa loob ng opisina ni Gael, hindi s'ya pinalabas ng asawa hangga't hindi pinagsasawa ni Gael ajg sarili nito sa paghalik sa kanya. S'ya man ay hindi kayang pigilan ang sarili, kundi nga lang s'ya naka duty baka kung saan na umabot ang ginagawa nila ni Gael. "Anong ang room ang sunod ko?" Nakangiting tanong n'ya kay Camille. "20