Hindi n'ya alam kung paano sila nakarating ni Gael sa kompanya, dahil sa hindi nila mapigilang gawin sa loob ng kotse. Ewan n'ya kung bakit hindi n'ya nagawang tumutol kay Gael ng halikan s'ya nito. Alam n'yang kasal na sila at na kay Gael na ang lahat ng karapatan sa kanya. Pero gaya nga ng sinabi n'ya noong una, hindi kasama ang pagsilbihan si Gael sa kama nito. Pero sa tuwing malapit si Gael sa kanya, hindi naman n'ya mapigilan ang sarili. Kusang bumibigay ang katawan n'ya sa mga yakap at halik ni Gael. Bagay na nais n'yang kainisan sa sarili. Pero ano bang magagawa n'ya? kahit sino maaakit sa isang Gael Saavedra. S'ya lang marahil ang nagsasabing ayaw n'yang may mangyari sa kanila ng asawa. At nakakasigurado s'yang kung may makakarinig sa kanya ay pagtatawanan s'ya ng usto sa kagagahan