Tulad ng pinangako ni Gael sa kanya isang engrandeng kasal ang ginanap sa napakalaking simbahan ng San Sebastian. Masasabi n'yang ginastusan ng malaki ang kasal nila ni Gael. Maraming babaing nangangarap ng engrande kasa, sino ba naman ang ayaw ng engrande kasal hindi ba. Pero s'ya si Gael lang sapat na sa kanya, kahit walang engrandeng kasalan basta masaya sila ng asawa na bubuo ng pamilya. Naka attend ang buong pamilya ni Gael. Mga kapatid at mga malalapit na kamag- anak ng mga Saavedra ay umattend din. Ang mga Tragora na pinsan ni Gael dumating din. Pati si Nanay Belen napabiyahe pa ng San Sebastian para lang masaksihan ang kasal n'ya kay Gael. Saksi si Nanay Belen sa magagandang pangyayari sa kanila ni Gael sa asyenda. Kaya masayang-masaya ito ng ikasal sila ulit ni Gael. Alam ni Nana