Maagang nagising si Anya noong Lunes ng umaga. Ngayong araw ang unang interview niya sa Saavedra Santillan Hospital. Noong Biyernes siya tinawagan ng ospital at sinabihang kailangan niyang dumaan sa interview bago makapagsimula sa trabaho. Kagabi pa lang ay hindi na siya mapakali. Ilang beses niyang pinagpraktisan ang mga posibleng itanong sa kanya at ang mga sagot na dapat niyang ibigay. Pinag-isipan din niya nang mabuti kung ano ang isusuot dahil wala siyang disenteng damit na angkop sa isang job interview. Mabuti na lang at pinahiram siya ng kaibigan niyang si Jessa ng pormal na blusa, palda, at sapatos. Mas maayos ang mga iyon kaysa sa mga damit na karaniwan niyang isinusuot. "Saan ka pupunta? Ang aga-aga mo yatang nakabihis?" bungad ng tiyahin nang lumabas siya ng silid. Nasa sala i

