Anya's POV Magana s'yang bumangon kina umagaan para asikasuhin si Gideon at si Gael pati na s'ya kailangan n'yang maghanda sa pagbabalik n'ya sa trabaho sa ospital. Isang linggo na mula ng makumbinsi n'ya si Gael na bumalik ng trabaho. Pinagpapasalamat n'yang napapayag naman n'ya ito. Magsisimula na s'ya mamaya para sa unang araw ng pagbabalik trabaho n'ya. Naiayos na rin n'ya ang lahat tungkol sa nobya ng kapatid. Napatunayan na isa nga ang nobya ni Ariel sa spy ni Lyn. Kaya alam nito kung saan-saan sila ni Gael nagpupupunta. At buti na lamang napaliwanagan n'ya ng mabuti ang kapatid at s'ya ang pinanigan ito. Kung sakali ay baka magka gulo pa sila ng kapatid kung ang nobya nito ang kinampihan. "Wow ang smell good," sabi ni Gael sa kanya ng pumunta ang asawa sa komedor. Tulad n'ya nak