"Minnie ang pangalan n'ya?" Tanong n-ya sa asawa ng lapitan ito at ang kabayo. Hinawakan n'ya ang kabayo. Naramdaman ang malambot nitong balahibo. Mukhang alagang-alaga ang kabayo, ang ganda kasi ng balahibo nito at ang puti. "Yes," sagot ng asawa at liningon s'ya. "Do you want to try her?" "Hindi naman ako marunong n'yan" Sagot n'ya at hinawakan sa mukha ang magandang kabayo. "Pwede kitang isakay" "Ah?" "Ililibot kita sa asyenda tara" yaya nito. "But, naka bestida ako," protesta n'ya at niyuko ang sarili. "Ok lang 'yan sa harap ka sasakay" Sagot nito. "Ah?" Nagtatakang tanong n'ya. Pero nakaramdam s'ya ng excitement. "Ililibot kita sa buong asyenda," sagot nito. At bago pa s'ya makapag salita, hinawakan na s'ya nito sa bewang, at tila wala s'yang kabigat-bigat ng buhatin s'ya