After 2 Years "Happy Birthday Gideon," bati n'ya sa anak na lalake. Lalake ang panganay nila ni Gael at pinangalanan ni Gael na Gideon. Kamukhang-kamukha ni Gael ang bata, wala man yatang nakuha sa kanya. 1st birthday ng anak nila ngayon at isang malaking celebrasyon ang magaganap sa Isla Gael Saavedra. Lahat ng bisita by boat susunduin, maliban sa mga kapatid ni Gael na may mga kanya-kanyang helicopter pagpunta. Isang engrandeng birthday ang ibibigay nila sa anak nila dahil para sa kanila isang malaking blessing ang pagdating ni Gideon. May mga struggles man noong una pero nauwi naman sa maganda at maayos ang lahat. "Hello Handsome," bati ni Gael kay Gideon na karga-karga n'ya. "Come to Daddy," sabi nito at kinuha ang bata sa kanya. Binuhat ni Gael ang tumatawang bata na masayang-m