Anya's POV "Bitiwan mo ko Gael!" Sabi n'ya, habang halos kaladkarin s'ya ng asawa pasakay ng elevator. Kung saan sila pupunta ng asawa ay hindi n'ya alam. Basta nais s'ya nitong ilayo kay Dr. Santillan na wala namang ginagawang masama sa kanya, nakikipag kaibigan lang ito at pinagpapasalamat n'yang and'yan si Dylan para may makausap s'ya. Pero minamasama ng asawa ang pakikipag lapit n'ya kay Dylan. Hindi n'ya maintindihan ang asawa kung umasta ito ay tila asawang nagseselos. Nagseselos ba si Gael kay Dylan? Pero bakit? Anong dahilan nito para magselos kay Dylan? Hindi ba't wala naman itong damdamin sa kanyan? "Bitiwan mo ko Gael!" Mariing sabi n'ya. Tinulak naman s'ya ni Gael papasok sa loob ng opisina nito at malakas na sinara ang pintuan. "Anong relasyon n'yo ni Dylan ha Anya?!" Maba