Hapon na ng bumangon s'ya masama ang pakiramdam n'ya. Bigat na bigat ang kanyang katawan, 'yun bang gusto pa n'yang mahiga muli. Pero kailangan na n'yang maghanda para sa dinner mamaya sa bahay nila Giovanni. Ayaw naman n'yang magmukhang pagod sa dinner, isa pa puro magaganda ang mga asawa ng kaptid ni Gael kaya ayaw n'ya lalong mapag-iwanan sa mga ito. Napalingon s'ya sa flower vase sa may tokador, napangiti s'ya dahil galing kay Gael ang mga bulaklak na 'yon. 'Yon ang kauna-unahang bulaklak na natanggap n'ya mula sa asawa. Nalipat ang tingin n'ya sa salamin at nakita ang pagod na itsura. Bumuntong hininga s'ya. Sinulyapan n'ya ang sarili sa salamin, mukha talaga s'yang pagod kahit ang haba na ng tulong n'ya. Bumuntong hininga s'ya at narinig ang mga katok sa pintuan. "Ma'am nasa bab