Pagdating sa Saavedra Santillan Hospital. Sinubukan n'yang maunang bumaba para maiwasan na sana si Gael. Pero ayaw bumukas ng pinto. "Gael," tawag n'ya rito, at liningon ito. Nasa kalsada ang tingin. "Gael, buksan mo ang pinto," "Anya I need a wife," seryosong sabi nito. At sinulyapan s'ya. Natahimik s'ya hindi n'ya alam ang isasagot. Isa pa napaka seryoso ng mukha nito halatang hindi ito nagbibiro sa nais mangyari. "Anya, accept my offer, magbabayad ako ng malaki," patuloy nito at tinignan s'ya na hindi alam kung ano ang isasagot. "Be my wife Anya," "Gael! Alam mo ba ang sinasabi mo? Kasal 'yan Gael, alam mo naman na-" "Anya, pwede tayong magpakasal at maghiwalay pagkatapos," putol nito sa sinasabi n'ya na lalo n'yang kinagulat. Kumunot ang noo n'ya at napatitig sa mga magaganda