Ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin bumabalik si Gael sa opisina nito. Hihintayin sana n'ya ito para humingi ng sorry sa ginawa rito kanina. Pero mukhang wala ng balak bumalik pa ito. Minabuti nalang n'yang lumabas na at bumalik sa party, baka magyaya na rin umuwi ito. Sa pasilyo nakita n'ya si Dylan na naghihintay sa pagbukas ng elevator. Tinawag n'ya ito, nais din kasi n'yang makahingi ng paumanhin sa nangyari kanina sa kapatid nito. "Dr. Santillan," tawag n'ya rito. Agad itong lumingon at nakita s'ya. Ngumiti ito. Ito ang gusto n'ya kay Dylan, lagi itong nakangiti, hindi ka mangingimimg lapitan ito, hindi tulad ni Gael, na laging galit at nakakatakot. "Anya, what are you doing here?" Tanong nito. "Ah. Wala nagpahinga lang ako saglit sa opisina ni Gael," sagot n'ya ng makal