Gael's POV Pagdating sa bahay malungkot s'yang pumasok sa loob. Wala ang asawang sumasalubong sa kanya, wala ang asawang magtatanong kung kumain na s'ya, wala ang asawang nakangiti at hahalikan s'ya. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Sinulyapan ang hagdan kung saan madalas makita ang asawang tumatakbo para lang salubungin s'ya. "I miss her so much," bulong n'ya. Nagtuloy s'ya sa kusina, walang pagkaing nakahain para sa kanya. Iniling n'ya ang ulo at lumapit sa ref para kumuha ng tubig. Habang umiinom tila nakikita n'ya ang eksena sa kusina sa tuwing nilalambing n'ya ang asawa. Kailan kaya muling mangyayari ang lahat nang 'yon? Kailan kaya n'ya muling makakasama ang asawa. "I'm going crazy Anya, where are you?" Bulong na tanong n'ya. Pag-akyat sa silid dumeretso s'ya sa master bed