Halos hindi niya makuhang tumingin nang deretso kay Gael matapos nilang mamili ng susuotin niya para sa anniversary ng ospital bukas. Binilhan na rin siya nito ng isa pang dress na isusuot niya ngayong gabi. Isasama daw kasi siya sa dinner sa bahay ng kuya nito. Nais niyang tumanggi, pero hindi na lang niya ginawa. Iniwasan niyang may makarinig sa kanila. “Are you okay?” tanong ni Gael nang makasakay na sila sa kotse nito. Pinauwi na niya ang driver at assistant nito at siya na lang ang nagmaneho. Pinasakay siya sa mamahaling kotse ni Gael. “Okay lang,” nahihiyang sagot niya habang hindi mapakali sa suot na bestida at ayos ng mukha. Pinaayusan kasi siya ni Gael sa stylist na naroon matapos siyang mabihisan. Alam niyang bumagay sa kanya ang piniling casual dress ni Gael — peach na spagh

