"Gael!" Galit ang boses ng nasa kabilang pinto. Tumingin s'ya kay Gael na hindi man nababakasan ng gulat o kaba. Samantalang s'ya kinakabahan s'ya sa galit na tinig ng babae sa labas. "It's Julia," bored na sabi nito at lumakad palapit sa pinto. "Teka Gael!" Pigil n'ya rito, at hinila sa braso. Sinulyapan nito ang kamay n'yang nakahawak sa braso nito. Para naman s'yang napaso at mabilis na binitawan ang braso nito. "Hindi ako pwedeng makita ni Julia sa kwarto mo," "And why not?" "Gael, baka kung ano ang isipin n'ya" "I don't care, mas maganda ngang datnan ka n'ya rito, para malaman na n'ya na wala s'yang maaasahan sa akin," sagot nito. At nagtuloy na sa paglapit sa pinto. Muli n"yang sinubukang pigilan ito, pero hindi n'ya nagawa. "Gael please," pakiusap n'ya muli. Ayaw n'yang maki