Matapos kumain, sinabihan s'ya ng asawang ipapasyal sa asyenda. Maganda naman ang panahon kaya sigurado mag e-enjoy sila ng asawa sa pamamasyal. Na excite tuloy s'ya first time kasi n'yang makakapasyal sa asyenda. Hindi lahat may asyenda, mga mayayamang pamilya lang talaga, tulad nina Gael. "Magbibihis muna ako " paalam n'ya sa asawa. "Sasamahan na kita," sagot ng asawa. Tumango s'ya. Hindi s'ya pwedeng tumanggi sa asawa, dahil hindi naman n'ya alam kung saang silid naroon ang mga gamit nila. Sabay na silang umakyat ng asawa sa sa ikalawang palapag. Malaki ang bahay at presko sa buong paligid. "Nasaan ang Lolo't Lola mo?" Tanong n'ya sa asawa habang paakyat ng hagdan. "Wala sila dito ngayon nasa London for vacation, kasama ang Tito Fred ko kapatid ni Papa" paliwanag ng asawa. "Ah..