Kinagabihan mag-isa lang s'ya sa bahay. Umuwi na s'ya si Nanay Belen. Hindi naman s'ya takot mag-isa sa malaking bahay, mas takot pa s'ya kay Gael. Tinawagan na s'ya ni Dylan, kinukumusta kung ok lang ba s'ya sa asyenda. Naramdaman n'ya ang concern kay Dylan ramdam n'yang tila kapatid nga ang turing nito sa kanya. At natutuwa s'ya dahil nagkaroon s'ya ng bagong kaibigan. Alam n'yang pwede s'yang mawalan ng trabaho sa ginawang pag-alis na lang basta, wala na kasi sa trabaho ang focus n'ya. Na kay Gael na ang buong atensyon n'ya. Sinulyapan n'ya ang cellphone nais n'yang tawagan si Gael, pero pinigilan n'ya ang sarili. Kung bibigay s'ya agad s'ya ang talo. Bumuntong hininga s'ya at binitiwan anh cellphone. Naglakad-lakad s'ya sa malaking bahay ng mga Saavedra. Sa isang buwan pa raw ang