"Anya?" Paninigurado ni Gael ng makita s'ya. "Hi," alanganing bati n'ya. "Hey," nakangiting bati ni Gael sa kanya. "What a surprise Anya," "Ah, oo nasa Milktea House kasi ako kanina, nakita kita kaya-" "Kaya?" "Pwede ba kitang makausap?" "Sure, sure," mabilis na sagot nito. "You want coffee?" "No, Pwede sa kotse mo na lang," "Ah, sure tara," sagot nito. At giniya s'ya nito sa kotse. Pinagbuksan pa s'ya nito ng pintuan sa passenger seat. "Salamat," pasalamat n'ya, ng makasakay na sa kotse. Wala s'yang masyadong alam sa mga sasakyan. Pero nakakasigurado s'yang mamahalin ang sinasakyan n'ya ngayon. "Ano pala yo'ng sasabihin mo?" Tanong ni Gael. Habang papalabas na ng parking lot ang kotse nito. "About sa sinabi mo sa akin kahapon," simula n'ya. "What is it?" "About sa eng