Nagmulat s'ya ng mga mata na may mabigat na nakadagan sa may dibdib n'ya. Gumalaw s'ya at nakita ang kamay ng asawang nakayakap sa kanya. Tumihiya s'ya mula sa pagkakatagilid at nakita ang tulog na tulog na asawa. Napangiti s'ya sa magandang nabungaran n'ya sa pag gising. Kung pwede sana n'yang hilingin na sana araw-araw ganito ang umaga n'ya. Pag gising n'ya nasa tabi n'ya si Gael at nakayakap ito ng mahigpit sa kanya. Hinaplos n'ya ang gwapong mukha ng asawa. At napangiti. Naalala ang mga nangyari kagabi sa kanila ni Gael. Hindi pa natuloy ang matagal na n'yang hinihintay. Hindi n'ya alam kung paano nagawa ng asawa ang magpigil na huwag muna ituloy ang ginagawa nila. Nais daw kasi ni Gael na kung aangkinin s'ya ng ay sa paraang hindi n'ya malilimutan at tatatak sa kanya pang habang bu