Sophie's Point Of View* "Bitawan niyo ko!" Pilit na kumakawala si Bughaw sa pagkakahawak sa kanya ng mga tauhan nitong Amerkanong hilaw na ito. "Take him to another room," utos nitong lalaking ito at nakita ko na mas lalong nagpanik si Bughaw sa sinabi nito. Parang baliktad atah eh bakit siya ang maingay sa aming dalawa? Ang sabi ay chill lang pero iba ang nakikita ko ngayon. Di ko namalayan na nakalabas na pala sila. Pero kailangan kong makontrol ang mangyayari ngayon. Tiningnan ko itong lalaking ito sa mga mata nito mismo. Umupo ako at nag dekwatro ako habang nakatingin pa din sa mga mata niya. "What do you want from me?" At ngayon kailangan kong maging b*tch sa harapan nila. "I heard Khaled weakness is you. Is that true?" Napangiti ako at tiningnan siya na may pangseseduce.

