Sophie's Point Of View Ano bang sasabihin ko? Kailan nga ba ako nainlab sa kanya? Flashback... "Is that Khaled Matheo Carter?" Napatingin ako sa mga kasama ko at tumingin sa taong tiningnan nila at nakita ko ang isang batang lalaki na nakaupo sa malaking puno habang nagbabasa ng libro at doon bumilis ang t***k ng puso ko at parang nanindigan ang balahibo ko sa kamay at binti dahil naka head set din ako at nakikisabay ang love song habang nakatingin ako sa kanya. Napahawak ako sa puso ko at nakita ko na nililipad ng hangin ang buhok niya at mas lalo siyang naging hot nung inayos niya ang reading glasses niya na kinabilis ng puso ko at agad akong napaiwas ng tingin. "Ano yun?" mahinang ani ko sa sarili ko habang nakahawak pa din sa puso ko. Bumalik akong tumingin sa lalaki at nakita

