Sophie's Point Of View* Nanghihina akong nakatingin sa maraming gamit na binili ni Khaled. Seryoso ba talaga siya? Ganito ba talaga ka dami? "Khaled Hubby, honeymoon ang pinunta natin dito at hindi ko sinabi na mag shopping tayo." Pero parang baliw itong kasama ko dahil nakangiti lang sa akin. "Wife, wag ka ng magalit sa akin." "Hindi ako galit. Sayang naman kasi ehhh." Niyakap niya ako at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko. "Wag ka ng magtampo. Ganito na lang bumawi ka sa akin kung gusto mong bumawi sa mga binigay ko sayo." "Ano naman ang ibibigay ko sayo eh ang dami mo namang pera." "Hmmm... I want a baby." Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi pa natatapos ang lahat ng problema namin at di natin alam sa mga oras ngayon biglang may

