"M-Mom..." Natigilan ako nang makita si Mommy sa labas ng pinto ng condo isang umaga. Behind her was Dad. "Dad," "Ria..." inabot ako ni Mommy at niyakap. Hindi agad ako nakagalaw. "What are you doing here?" I got out from her embrace. Naalala ko ang mga huling nangyari bago ako umalis noon. They hurt me. The slap I got from Dad... Ang masakit na hawak sa akin ni Mommy... At ang masasakit na salita. Umiling si Mommy, naluluha. "Ria, anak..." I let them in. Sinabihan ko ang nagbabantay kay Jj na huwag munang ilabas ang anak ko habang naroon pa ang mga bisita. "Naka-usap na namin ng Daddy mo si Alexander-" pauna ni Mommy nang nasa living room na kami ng condo. "What did you do?" nilipat ko ang tingin kay Dad. Lalo akong magagalit sa kanila kung may ginawa o sinabi silang masa

