"Ma'am," "Annie," I smiled at Jared's secretary. "Nasa meeting pa po si Sir, papasabi ko po kay Carlo-" tukoy niya sa isa pang assistant ni Jared. Umiling na ako. "It's okay, Annie. Maghihintay nalang ako sa office ng boss mo." Tumango ito at giniya na ako doon. Nilapag ko doon sa mesa ang dala kong lunch para kay Jared. At hindi rin nagtagal ay pumasok siya doon. Agad niya akong binati ng ngiti. I smiled at him, too. "Lunch?" "Yes," saglit kong binalingan ang mga dalang pagkain. Nasasanay na rin siya na lagi kong dinadalhan ng lunch sa opisina niya. Lumapit si Jared sa mga dala ko at isa-isa iyong binuksan. I sat there beside him. Tinulungan ko rin siya. "How's it?" I asked. Tinapos niya muna ang pagnguya sa unang subo bago ako sinagot. Tumatango na siya. "Syempre, ma

