Nakakulong ako sa kuwarto ko. Binabantayan ako ng mga maids at bodyguards. Wala na akong nagawa kung 'di ang umiyak. Ang sabi ni Vince ay maaga siyang uuwi. Siguro ay hinahanap na ako no'n at nag-aalala na ito na wala na ako sa apartment niya nang makabalik siya. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko nang pumasok sila Mom at Dad sa kuwarto. Nagkatinginan kami ni Dad. He threw a folder in front of me. Bahagya akong napaigtad. "Vincent Gonzales. A nobody. Sumama ka sa lalaking iyan after knowing that you'll be marrying Jared Montereal-" "Nagkakilala lang kami ni Vince, Dad, noong umalis ako nang gabing 'yon. He saved me from the taxi driver na may masama sanang gagawin sa akin. Inuwi niya ako sa bahay niya. He's a good man, Dad, he took care of me-" Dad's jaw clenche