Rijhen Delavega Pero parang uwak na bigla na lamang dumapo sa isip ko ang napakalaki niyang kasalanan sa akin na hinding-hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundong ito. Dahil doon, sumiklab muli ang matinding galit at puot sa loob ko na walong taong nakatago. "I'm asking you," he said again. Nagsasalubong na ang mga kilay niya sa pagtitig sa akin. "Who are you? Who is she?" baling niya rin kaagad sa mga guwardya nila sa paligid. "Sir—" "Pumasok na raw po kayo sa loob," turan ng isa sa kanila sa akin na nagmula sa loob ng tahanan nila, kaya naudlot ang sagot ng isang guwardya sa kanang bahagi ko. Nginitian ko nang bahagya si Matthew bago naglakad patungo sa main door ng bahay nila. I noticed the lines on his forehead deepen as he continued to stare at me intently. Pumasok ako s

