Rijhen Delavega "Mukhang galing ka pa sa laban bago naparito," nakangising turan muli ni Lomibao. "Sinira mo na naman ang gandang lalaki mo. Kung sa labas pa lang, talo ka na. Paano pa kaya dito sa loob? ... You know you’ll never beat me, Mendoza—not in any fight." Ngumisi rin ang mga nakatayong lalaki sa likod niya. Mukhang sila ang mga batuta niya na nakita namin kaninang kasama niya na pumasok sa gusaling ito. "Huwag nang marami pang satsat," Matthew replied coldly but calmly. "Lumaban ka na lang." Ako nama'y tahimik na nakatayo sa likod niya. Si Renata ay umalis na at sinalubong naman ang iba pang manlalarong dumating. "Kapag natalo ka dito, ibigay mo sa akin 'yang bebot na nasa likod mo," aning muli ni Lomibao na ngayo'y nakatitig na sa akin. Bigla pa niya akong kinindatan. N

