Chezca Mendoza Montgomery A few days passed. Napatayo ako nang bigla akong makatanggap ng tawag mula sa mayordoma sa bahay namin. Sa bahay ni Lolo Maclin. "Mahinang-mahina na siya," ani Nanay Remedios sa kabilang linya. "Hindi na siya bumabangon. Hindi na rin kumakain. Sa kama na siya umiihi at dumudumi. Isinusuka na rin niya ang mga gamot niya. Palagi niyang sinasambit ang pangalan mo at ni Ma'am Catherine. Hinahanap niya kayo at mukhang nagsisisi na sa mga kasalanan niya." Hindi kaagad ako nakasagot. Nanikip bigla ang dibdib ko at 'di ko mapigilang maging emosyonal. Kahit papaano, kahit ganun kasama si Lolo, minahal ko pa rin naman siya at ama siya ng aking ina. “D-Didn’t you call his doctor?” I asked her. "Pinapunta na namin dito noong nakaraang araw pa si Doctor Ramos. Ang sabi

