Chezca Mendoza MALIWANAG na ang buong paligid nang magising ako. Kinapa ko si Stanley sa tabi ko, ngunit hindi ko na siya mahawakan pa. Napalinga ako sa buong paligid, at natanaw ko siya sa balcony nitong silid niya. Mukhang may kausap siya sa phone. He was half-naked, wearing only his pajama bottoms. Bumangon na rin ako at tinungo siya doon. "Huh. Just as I thought, I need all the evidence as soon as possible," I heard him say to the person on the other end of the line. Nangunot naman ang noo ko, pero niyakap ko pa rin siya mula sa likod niya. Ramdam ko ang gulat niya at agad napalingon sa akin. "You're awake," he said softly. "Good morning," I greeted him with a smile. Niyakap na rin niya ako at hinagkan sa noo. "Kuya, I'll just call you again later," paalam na niya sa kausa

