THIRD PERSON POV Isang nakamotorsiklong lalaki ang huminto malapit sa kinaroroonan nina Rijhen at Matthew. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Hay, kay ganda namang tanawin nito. Hindi ko akalaing ngayon ko pa makikilala ang bago mong babae, Matthew Mendoza, pagkatapos ng mga ginawa mo... Let's make your happy moment even more interesting." Bumunot siya ng baril sa baywang at maraming beses na pinaputukan ang lupa sa tapat nina Rijhen at Matthew. Nagulat naman ang dalawa. Agad na niyakap ni Matthew si Rijhen at dumapa sa lupa. Ngunit aksidenteng dumulas ang paa ni Rijhen at nahulog ito sa bangin. "Rijhen!" sigaw ni Matthew sa matinding gulat. Nahawakan niya kaagad nang mahigpit ang braso ng dalaga. "Wohoooo!" Napalingon naman siya sa sumigaw at sa malakas na tunog ng

