THREE DAYS PASSED THIRD PERSON POV "Paano nangyari ito?!" Nangibabaw bigla ang galit na galit at malakas na tinig ni Maclin Megara sa loob ng tahanan nila matapos nitong matanggap mula sa abogado nito ang kopya ng resolution mula sa prosecutor’s office. Mariin niyang hinampas sa mesa ang makapal na folder, dahilan upang magkalat ang ilang papeles. Napasinghap naman sa gulat si Catherine. Nagkatinginan sila ng asawa niyang si Ryder habang nakaharap din sa abogado. “Dismissed?!” galit na ulit ni Maclin, na halos hindi makapaniwala. “No probable cause? Paano naging walang probable cause? Dinukot ang apo ko!” Nanatili namang kalmado ang abogado. “Sir, base sa naging evaluation ng prosecutor … malinaw sa sworn statement ni Ms. Chezca na kusa siyang sumama kay Stanley. There was no elem

