THIRD PERSON POV SINUBUKANG tawagan ni Chezca ang cellphone niya gamit ang cellphone ng kanyang ina, ngunit operator na ang sumasagot sa kabilang linya. Labis na frustration ang naramdaman niya. "Hindi na siya nagri-ring, Mommy," aniya sa kanyang ina. “Calm down, anak.” Marahang hinawakan ni Cath sa mga braso ang kanyang anak. "Ano pang laman ng bag mong 'yon?" "Nandoon ang wallet ko, Mom. May cash at naroon ang mga bank cards ko—debit at credit. Pati IDs ko." Biglang naging seryoso ang mukha ni Cath. "Kung ganoon, hindi tayo puwedeng maghintay. We’ll call your banks right now and have all your cards blocked. Mas mabuti nang ma-freeze agad kaysa magamit pa ng kung sino man ang kumuha." Ipinasa kaagad ni Chezca ang cellphone sa kanyang ina. “What if they’ve already used them?” "M

