Chezca Mendoza "Sir, dumating na po si Atty. Lloyd Delavega." Napalingon kami sa isa sa mga kasambahay na lumapit sa amin. "Let him in," Tito Skipper instructed. "Yes, Sir." Agad na tumalima ang kasambahay at lumabas ng main door. Maya-maya'y bumalik ito at kasama na si Atty. Lloyd Delavega. Isa siya sa mga second cousin ni Cristoff Delavega. And from what I’d heard, despite being only twenty-seven years old, he was already considered one of the most promising lawyers in the country—kilala sa talas ng isip, strong confidence, at sunod-sunod na panalo sa mga kasong hinawakan niya. Napangiti siya nang makita kami dito sa sala. Nakasuot siya ng maayos na charcoal suit. Maayos din ang buhok. Maganda ang tindig niya kahit may bitbit na leather briefcase. Makisig din ang pangangatawan

