Rijhen Delavega Dumiretso ako sa nurse station at humingi ng dalawang facemask para sa akin at sa pasyente ko. Binigyan din naman nila ako agad, at agad kong isinuot ang sa akin. While waiting for an opportunity, I sanitized my hands with the alcohol dispenser beside the counter. Pasimple ko pa ring inililibot ang paningin ko sa buong paligid. There was a CCTV camera aimed at the hallway and the entrance, pero hindi naman nito hagip ang nurse station at locker room nila sa gilid. "Tulungan niyo ang asawa ko!" Bigla akong napalingon sa entrance ng ER kung saan may sumigaw na babae na sinundan ng iba pa. "Tulong! Nurse! Doctor!" "Tulungan niyo ang anak ko!" "Bigyan niyo ng daan! Tumabi kayo!" sigaw din ng guard. Nurses and doctors rushed out. At maya-maya lang ay isa-isa na nilang i

