THIRD PERSON POV "Dad, huwag muna kayong kumilos. Makakasama 'yan sa inyo," awat kaagad ni Catherine sa kanyang ama nang magtangka itong bumangon mula sa hospital bed. Pero agad siya nitong binigyan ng matalim na tingin. "Nasaan ang magaling mong anak?!" pasigaw nitong tanong sa kanya. "Ngayong araw na ito, nakatakda ang kasal nila ni Bernardo! Matutuloy ang kasal nila anuman ang mangyari!" "Yan pa rin ba ang iniisip niyo kahit masama na ang kalagayan niyo?" mahinahong tanong ni Catherine, ngunit nasa tono ang sama ng loob para sa ama. "And do you want me to die while still holding resentment toward all of you?!" sagot naman ni Maclin. "Do you want me to die already, Catherine?! Do you want to lose your father?!" "Huminahon ka, Dad," mahinang turan pa rin ni Catherine sa ama. "Hindi

