Ruby: "Hi Sofie kamusta naman kayo? Hindi ba makulit si Gavin?" "Nako okay na okay lang kami nakikipaglaro na siya kila Adam at Eve nako tuwang tuwa nga ang mga bata e ang cute naman kasi ni baby Gav." "Mabuti naman kung ganon pwede ikiss mo nalang ako kay babay Gav? Pati narin kila Adam at Eve. Tell them na may pasalubong ako." Masayang sabi ko. Panatag naman ang loob ko dahil mapagkakatiwalaan naman sila Sofie at Nikko. ... Pinatay ko na ang tawag at amoy na amoy ko ang mabangong breakfast namin ni Jacob nasa veranda kami ngayon ng resort at kasalukuyang kumakain ng umagahan. Tanaw na tanaw mo pa ang aliwalas at alon ng tubig. "You wanna go there Wife?" Tanong ni Jacob sabay turo sa mga nag susurfing. Sa totoo lang ay gustong gusto ko din matutunan yun. "Okay lang ba?" Tanong ko.