Months had passed and talagang napalapit na sa akin si Twyla. Lagi itong nakadikit sa akin at naiyak kapag nawawala ako saglit. Si Aeolus naman ay naiirita sa anak pero hindi pinapahalata. Paanong hindi maiirita eh lagi siyang bitin. Tinatawanan ko nga. "Mommy, can you tie my hair? Please. Ayoko po ma-disturb sa class," binigay niya sa akin ang comb at mga hair tie niya na kinuha ko at inilagay sa aking gilid. Tinapik ko ang espasyo sa aking harap, "Sit here, baby." Habang iniipitan ko siya ay kinakalikot niya ang phone ko at panay ang picture doon. Napailing na lamang ako't napangiti. Wala talagang araw na hindi siya pwede mag-picture. Tulog pa si Aeolus at Trixie. Pinuyat ni Trixie ang tatay niya. Paano ba naman ay ayaw niya matulog at gusto manuod nang manuod sa netflix ng cartoon