“BREAKFAST, LUNCH, dinner…brunch, mirienda in between meals, and midnight snack.” Isa-isang itinuturo ni Sonja ang bawat lalaking nakikita niyang naka-riding uniform mula pa nang pumasok sila nina Brye at Sindy sa Stallion Riding Club. “Grabe, Sindy! Nakikita mo ba ang mga nakikita ko?” “Oo, ginawa mo nga silang menu, eh.” Hindi niya pinansin ang kaibigan. “A magnificent place with magnificent men. Sa’n ka pa?” “Ewan ko sa iyo. Um-order na lang tayo ng makakain dito. Siguradong gutom lang iyan.” “Hindi, okay na ako rito.” Muli niyang pinagsawa ang kanyang mga mata sa nagkalat na biyaya ng Diyos sa kababaihan. “Busog na ako sa mga papables na iyon.” Naroon sila ngayon sa isa sa mga restaurants sa loob ng Stallion Riding Club at hinihintay ang boyfriend nito na nagpaalam sa kani