.04

1243 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Tuwang-tuwa si Sylvia sa crab soup at sa mga french fries na si Kiel kanina ang nagluto. Lahat ng favorite niya na pagkain ay nasa lamesa at sabay-sabay sila kumakain. Katabi ni Sylvia si Kiel na kasalukuyan siyang pinagsasalin ng tubig. Hindi nagtanong si Kiel kay Sylvia kung anong problema nito dahil alam niya na mas mape-pressure ito. Ayaw niya na mag-overthink pa ang babae. "Anyway, nakausap ko si dad kanina. Pumayag siya na dito na muna tayo mag-stay," ani ni Kiel. Napatigil si Sylvia at napatingin. "Kiel dahil ba sa akin kaya—" "No honey, malapit ang lugar na ito sa work ko at sa university remember?" Ayaw ni Sylvia maging burden. Ginawa lang ni Kiel an ang reason ang work niya para nga mag-stay doon si Sylvia kasama ang ama niya. Kung may mga time nga na may important business si Kiel ay may makakasama ang mag-ina niya. Mas alam din ng ama niya ang gagawin at komportable si Sylvia sa ama niya. "Princess, ayos lang kung manatili kayo ng mga bata dito. Ayos lang naman iyon sa iyo hindi ba?" tanong ng matanda. Agad na sumagot si Sylvia ng yes! Para na kasi siya may second father si Sylvia at close na close sila ng matanda. Sarap na sarap si Sylvia sa pagkain. Tulog din ang triplets kaya naman nagawa ni Sylvia kumain ng mas matagal. — "Namis niyo si mommy?" tanong ni Sylvia at niyakap si Elliseo. Nagising kasi si Elliseo. Hindi naman ito umiiyak ngunit kinuha ito ni Sylvia para yakapin. Maya-maya napatigil si Sylvia matapos may yumakap sa kaniya mula sa likod. Ikinulong ni Kiel sa mga braso niya ang asawa at hinalikan sa pisngi si Sylvia. "Kiel, hindi pa ako nakakapag-shower mula kahapon," ani ni Sylvia na nakasimangot. Medyo nahihiya siya dahil ang bango ni Kiel. Natawa si Kiel at tinanong kung ano naman. "Ang bango mo tapos ako mabaho," ani ni Sylvia na nakanguso. Sumagot si Kiel ng hindi naman. "Liar," ani ni Sylvia. Natawa si Kiel then hinalikan ni Kiel si Sylvia sa labi na agad naman sumagot ang babae. Hinarangan ni Kiel ang mga mata ni Elliseo. Noong maghiwalay ang labi nila. Agad na namula si Sylvia at tinanong bakit ito bigla nanghahalik. "Kiddo, close your eyes. Don't look." Nakatingin si Kiel sa kama. Nakatingin si Elija. Tinaas-taas ng batang lalaki ang kamay. Natawa si Kiel at tinanong kung gusto din nito ng kiss. "Maghanap ka na ng wife mo," ani ni Kiel. Mahinang hinampas ni Sylvia sa braso ang asawa at tinanong kung ano sinasabi nito sa bata. Natawa si Kiel at sinabing nagbibiro lang siya. Sa ginawa na iyon ni Kiel. Naglahong parang bula lahat ng alalahanin niya. She feels warm again dahil sa presence ni Kiel. Siguro namimis niya lang talaga si Kiel kaya siya nagkakaganoon at masyado nga ito naging busy this past few days. Hinahanap niya ang presensya ni Kiel. Kinabukasan, Ginala nina Kiel at Sylvia ang mga anak nila. Maganda ang sinag ng araw noong umaga na iyon. Tulak ni Kiel ang stroller kung nasaan ang triplets na mukhang tuwang-tuwa. Maraming mga kasabayan sina Kiel na mag-aasawa din at mukhang naglalakad-lakad kasama ang mga asawa nila. Agaw pansin si Kiel at halos mabali ang leeg ng mga ito kasusunod ng tingin kay Kiel na hindi inaalis ng tingin sa mga tulak na anak. Nakasimangot si Sylvia na hawak ni Kiel ang isang kamay. Napatigil si Kiel at napalingon sa asawa. Humigpit kasi ang hawak ni Sylvia sa mga kamay niya. "Anong problema?" tanong ni Kiel. Sinabi ni Sylvia na pinagtitinginan na naman si Kiel doon. Lumingon si Kiel. Masama ang tingin sa kaniya ng mga asawang lalaki ng mga babaeng nandoon na hawak din ang mga anak nila. Lumalayo na ang mga ito. Natawa si Kiel at hinalikan sa sentido si Sylvia matapos sabihan si Sylvia na selosa. "Gusto mo din ng buhat?" tanong ni Kiel. Napansin niya kasi na mukhang pagod na si Sylvia. Sinabing ayaw niya. Hindi na siya mabubuhat ni Kiel dahil baboy na siya. "Kiel! Kiyaah!" Binitaw na si Kiel sandali ang stroller at binuhat si Sylvia na agad napahawak sa leeg ni Kiel. Binuhat siya ni Kiel gamit ang isang kamay at hinawakan ulit ang handle ng stroller. Ang taas ni Sylvia. Sinabi ni Sylvia na ang lakas ni Kiel. Pinangko kasi siya ni Kiel na para lang siyang isang sako na bigas. Natawa ng mahina si Kiel at sinabing magaan lang talaga si Sylvia. Natutuwa si Sylvia na niyakap si Kiel. Maya-maya napatingin sina Sylvia matapos may makita silang apat na batang lalaki. Nasa tatlo hanggang limang taon ang mga bata. May dalawang lalaki ang mga ito na kasunod. Nagtatawanan ang mga ito. "Salvacion? Anong ginagawa niyo dito?" Lumapit sila ni Kiel. Napayuko ang dalawang lalaki matapos makita si Kiel na mukhang mga nagulat din matapos sila makita. "Nire-renovate iyong mansion namin casa rosa kaya ito. Nagi-stay kami temporary sa mansion dito ni Arkin," sagot ni Harold Jay Salvacion. Hinawakan nito ang isa isa sa apat na bata na sinisilip ang nasa stroller. Namangha si Sylvia matapos mapako ang tingin niya kay Jc Atlas Mendez. May kamukha kasi ito. Bumaba si Sylvia at tiningnan mabuti si Jc na ngumiti lang at yumuko bilang respeto. Nagpakilala ang lalaki dahil mukhang nako-curious sa kaniya ang babae. "Yay! Kaya pala kahawig niya ang husband ni sissy Hershey!" Hinila-hila ni Sylvia ang kamay ni Kiel sinabing kapatid iyon ni GD. "Papa, look— ang cute ng baby," ani ni Darius Mendez Salvacion. Na-shocked si Harold at sinabihan ang anak na huwag turo ng turo. "It's okay." Tinanong ni Kiel kung gusto hawakan ni Darius ang isa sa triplets. Tumango-tango si Darius. Natawa na lang si Jc matapos makita na bahagyang nagpa-panic na si Harold. Isa sa mga tagapagmana ng mga Villiegas ang hawak ng anak nila. Napatitig na lang si Jc kay Kiel na inaalalayan si Darius. Iba ang Kiel na kaharap nila ngayon sa Kiel na nakita nila sa loob ng black sector. Tinitingnan naman ng tatlong bata sina Sorenn at nilalaro ito. "Papunta kami sa park ngayon. Papunta din ba kayo doon?" tanong ni Sylvia. Napangiti si Jc at sinabing sasabay na sila. Habang naglalakad nagkukwentuhan si Jc at Sylvia. Doon nalaman ni Sylvia na asawa pala ni Jc si Harold at may apat silang anak. Sina Gavin iyon na ngayon ay kinakausap ang triplets at pinagkakaguluhan. Wala sa mukha ni Sylvia ang pagkamangha o kung ano kaya naman mas lalo natuwa si Jc makipag-usap kay Sylvia. "Ikaw pala iyong babae na naikukwento ni Hershey na unang naging friend niya." Natuwa si Sylvia at nagsimulang magkwento paano sila nagkakilala at first encounter nila. Tumawa si Jc at sinabing hindi iyon nasabi sa kaniya ni Hershey. "Hanggang ngayon nahihiya pa din ako kapag naaalala ko iyon. Ang ganda kasi ni sissy Hershey tapos hindi halata na mas matanda siya sa akin." Hinawakan ni Sylvia ang dalawang pisngi. Nakatingin lang naman si Harold at Kiel sa dalawa na naglalakad sa unahan nila. "Noong narinig ko si Hershey at Jc na nag-uusap about sa madam ng mga Villiegas noong una hindi ako naniniwala," ani ni Harold na parang may pang-aasar pa sa boses nito. Napa-pokerface si Kiel. "Anong nakakagulat sa pagkakaroon ko ng asawa. Healthy man ako at mayaman." Tumawa si Harold sinabing hindi lang kasi ang tipo ni Kiel na magkakaroon ng interes sa ibang bagay specially sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD