02

1116 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Habang nag-aalalaga si Sylvia ng mga anak ay nagtatahi naman ang babae ng damit. Gumagawa ang babae ng mga damit para sa mga anak at nilalagyan ang mga iyon ng disenyo. Namamangha naman sina Ward dahil sa galing ni Sylvia sa pagtatahi. Tinanong ni Ward kung saan si Sylvia natuto magtahi. "Ah natuto lang ako. Naalala ko kasi wala ako maayos na damit dati— hindi ako nabibilhan ni dad ng damit kaya naman— natuto ako gumawa ng mga damit then kumpunuhin iyon para magkasya sa akin then lagyan ng mga designs," ani ni Sylvia. Hindi siya magaling sa kahit na ano pero magaling siya mag-design ng mga damit. "Mylady." Napatingin si Sylvia noong bumukas ang pinto ng room nila ni Kiel. Sumilip si Caith Parrel. Tinanong ni Sylvia kung bakit. "May nakita ka ba na bracelate. May hinahanap kasi si pinuno na bracelate," ani ni Caith. Napatigil si Sylvia matapos may maalala. Tinanong ni Sylvia kung dumating na si Kiel. Galing si Kiel sa university. Pumasok din kasi ang lalaki matapos siya pilitin ni Sylvia. Marami itong work kailangan tapusin. Binaba ni Sylvia ang tinatahi niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Lumapit ang babae sa drawer ng table at may kinuha doon. Kalaunan sa living room halos baliktarin ni Kiel ang buong living room. Tinatanong ni Kiel ang mga katulong kung may nakita sila doon na bracelate. "Ano ba kasi pinuno tiyura 'non? May suot ka ba palagi na bracelate?" tanong ni Leon. Parang hindi nila napansin. "Iyong binigay ni Sylvia noong graduation natin," ani ni Kiel. Hindi niya tinitanggal iyon kaya imposible na mawala iyon sa kamay niya. Ingat na ingat niya din iyon kaya imposible na naputol na lang iyon. Hinawakan ni Kiel ang wrist niya. Balisa siya ngayon na dinampot ang unan ng sofa. Sumilip si Elliot sa ilalim ng lamesa. "Hon, hinahanap mo ba iyong bracelate?" tanong ni Sylvia. Bumaba ito kasunod si Caith. Naiwan si Ward sa itaas para silipin ang triplets. Sumagot si Kiel na sinisilip ang likod ng sofa at sinabing nawawala iyong bracelate. "Kinuha ko," ani ni Sylvia. Napatigil si Kiel na napatingin kay Sylvia. May pinakita si Sylvia na bracelate. Inayos iyon ni Sylvia. Ginawan ng designed at binase niya iyon sa tattoo na nakita niya sa dibdib ni Kiel. "Kinuha ko habang tulog ka kaninang umaga. Akala ko hindi mo mapapansin," ani ni Sylvia na nakangiwi. Agad na lumapit si Kiel at kinuha iyon. Sinabi ni Kiel na imposible na hindi niya iyon mapansin. "Binigay mo ito sa akin," ani ni Kiel. Ngayon alam na ni Sylvia bakit sobrang luma na 'non. Hindi niya akalain na iingatan talaga iyon ni Kiel at nasa lalaki pa din iyon hanggang sa mga panahon na iyon. "By the way ang ganda. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ni Kiel. Nilagyan iyon ni Sylvia ng leather at ilang bids. Tinahi din iyon ni Sylvia. Niyakap ni Sylvia si Kiel. Niyakap ang katawan ng lalaki. Napatigil si Kiel matapos suutin iyon at tingnan si Sylvia na bigla siyang niyakap. "Anong problema? Napagod ka ba? Hindi ka ba tinulungan nina Leon sa pag-aalaga sa triplets? " tanong ni Kiel at niyakap ang babae pabalik. "Masaya lang ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang bracelate na iyan— akala ko wala na," ani ni Sylvia. Natawa si Kiel at sinabing hindi niya inalis ang bracelate na iyon kahit isang beses. Buong araw yata siya hindi mapakali sa pag-aakala na nawala niya iyon. "Ito ang unang regalo na natanggap ko mula sa iyo," ani ni Kiel. Iyon din ang bagay na pinanghawakan niya noong hinintay niya si Sylvia ng ilang taon. Hinalikan ni Kiel sa noo si Sylvia at tinanong ito kung nakainom na ito ng vitamins. "Ayoko na uminom ng vitamins. Lumalakas ako kumain. Ang taba ko na— look." Bahagyang humiwalay si Sylvia at pinakita ang katawan niya. Natawa si Kiel at sinabing maganda pa din si Sylvia. "Mataba na ako tapos may stretch mark." Ngumiti si Kiel at sinabing dinala ni Sylvia ang mga anak niya. Hinawakan ni Kiel ang bewang ng babae at sinabing ang mahalaga ay bumalik sa dati ang resestensya ni Sylvia. "Maganda ka pa din naman." Ngumuso si Sylvia at sinabing binobola na siya ni Kiel. Pinagsiklop ni Kiel ang kamay nilang dalawa. "Gising na ba sina Sorenn. Gusto ko na sila makita." Natawa si Sylvia. Gustong-gusto ni Kiel nakikita ang triplets niya at ayaw na nga nito pumasok dahil doon. Pag-akyat nila ng kwarto. Narinig nila ang iyak ni Sorenn. Pumasok si Sylvia sa kwarto at nakita nina Kiel si Ward na buhat si Sorenn. "Shh, young lady. Baka magising ang mga kapatid mo. Nagugutom ka na ba?" Natawa si Sylvia at sinabing sa kaniya na si Sorenn. Gutom na si Sorenn sigurado doon si Sylvia. Hindi ito nakakain kanina. Ibinigay ni Ward si Sorenn kay Sylvia. Sinabi ni Ward na lalabas na muna siya. Nandoon na kasi si Kiel. Wala ng available na feeding bottle sa loob kaya naman itinaas na ni Sylvia ang damit niya para padedein si Sorenn. "Ayaw mo ba i-feeding bottle na lang sina Sorenn?" tanong ni Kiel at umupo sa tabi ni Sylvia. Marami sa nanay ang ayaw padedein ang mga anak nila dahil nga masyado iyon incovenient at nawawala ang tamang postura ng katawan ng mga babae. "Sabi kasi ni sissy Hershey mas healthy para sa nga bata ang ganito." Napangiti si Kiel. Nagrereklamo ito kanina dahil nga sa katawan nito pero ito ang asawa niya nagpapa-breast feed kahit pa tatlo ang kailangan nito pakainin sa isang araw. Tiningnan ni Kiel ang mga tela na nasa ibabaw ng kama. Kinuha niya ang isa sa mga doon at tiningnan. May nakaburda na pangalan. "Ikaw gumawa ng mga ito?" tanong ni Kiel. Medyo nagulat siya dahil marunong si Sylvia manahi. Napatingin si Sylvia. "Yes, mahilig ako. Magkumpuni ng mga damit tapos mag-designed. Gumagawa din ako ng acessories," ani ni Sylvia na nakangiti ng malapad. Napatingin si Kiel. Hindi niya akalain na may ganoon na talent si Sylvia. Mukhang ginawa na ni Sylvia na libangan iyon simula noong nag-stay ito sa bahay at inaalagaan ang mga anak niya. Tiningnan ni Kiel ang bracelate na ginawa ni Sylvia para sa kaniya. Napakaganda ng disenyo 'non. Bumagay sa wrist watch na suot niya. Hinawakan iyon ni Kiel. — "Honey, gusto ko dalawin bukas si papa. Dadalhin ko sina Sorenn," ani ni Sylvia habang tinatalian siya ni Kiel ng buhok. Nakahara kasi ang buhok ni Sylvia sa mukha nito kaya naman tinalian ni Kiel ang buhok ng asawa. "Tatawagan ko si dad bukas. Isama mo sina Ward. Sunduin ko na lang kayo doon after ng class ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD