Kabanata 8
Mission Passed
Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng suite. Matapos ay bumaling kay Mauricio na may ngiti sa mga labi.
"Pasok ka, pasensya ka na medyo makalat." Isa-isa kong niligpit ang ilang magazine at dyaryo sa lamesita kung saan kumukuha din kami ng impormasyon sa pwede naming maging target.
Tahimik naman itong naupo sa sofa habang binibisita ang buong silid.
"Ah, ipagtitimpal lang kita ng kape," wika ko bago ko siya iwan upang magtungo sa kusina.
Ilang saglit lang ay dala ko na ang set ng kapihan. Hindi ko kasi alam kung gusto ba n'ya ng matapang na kape, o hindi.
"Hmm, what would you prefer?"
"I'd like sweet at medyo creamy," aniya. Pansin kong hinubad na ito ang coat na suot na ngayon ay nakasampay sa may arm rest ng sofa. He's wearing his white long sleeve polo kaya pansin ko agad na matigas na matigas ang pangangatawan n'ya maging ang dibdib.
Mabilis akong umiwas nang tingin at tahimik na tinimplahan ang kaniyang kape. Gayon din ang ginawa ko para sa akin. Gano'ng kape din kasi ang gusto kong lasa.
"Thanks," aniya matapos kong ibaba sa harapan niya ang tasa ng kape. Hindi na rin ito nag atubili na tikman ang kape.
Ilang minuto katahimikan ang bumalot sa amin bago ko maisipan magsalita.
"Ilan taon ka na sa serbisyo bilang mayor ng Batangas?"
Pang anim na termino ko na bilang mayor. Dati rin ay tumakbo akong Vice Governor at pinalad din naman ako. Kaso ay talagang ayokong iwan ang aking mamamayan kaya bumalik ako sa pagtakbo bilang mayor," aniya na bakas ang maluwang na ngiti.
Tumango ako. "Kung gano'n pala ay likas na saiyo ang pagiging politiko, I'm impressed." Isang maluwang na ngiti rin ang ibigay ko dito.
"Pwede ko bang malaman kung ilan taon ka na Debinna?"
Lumunok ako at ilang segundong nag-isip. "I'm 22,"
He nodded and sipped on his coffee.
"Ikaw, Mayor ilan taon ka na?" Lakas loob kong tanong matapos kong ibaba sa lamesita ang tasa ng kape.
"I'm 42," he said in his serious tone.
I swallowed hard. "And you are still single right?"
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa at umiling sa'kin. "Why do you want to know?"
Napasinghap ako at wala sa loob na hinila ang tasa sa aking harapan at humigop ng kape.
"I'm single. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko saiyo na hindi na ako nakapag asawa dahil abala ko sa paglilingkod sa bayan?" aniya na umangat ang gilid ng labi.
Kumunot naman ang noo ko. Inaasahan kong marinig sa kaniya na may asawa siya at mga anak. Kung hindi man ay hiwalay.
"Kaya pala mukha ka pa rin binata," biro ko.
Tila naman nahiya ito sa huli kong sinabi at napainom muli sa kaniyang tasa.
"Pero sabi mo may anak ka?"
"Hmm, yes may anak ako. Actually may tatlo akong anak."
Tumango ako dito. So, ibig sabihin ay wala talaga siyang balak mag-asawa.
"Kailan mo naman plano mag -asawa?"
Binaba niya ang tasa ng kape at sinalubong ang mga titig ko.
"Naging buhay ko na ang paglilingkod sa ating bayan. Kaya minsan hindi ko na maisingit ang love life. Actually wala talaga akong oras para sa buhay pag-ibig dahil masaya naman ako sa ginagawa ko at mga anak ko. Minsan hindi ko rin maiiwasan may mga babae na nagpaparamdam," umangat ang gilid ng kaniyang labi.
Muli akong napalunok sa mga huling kataga niyang sinambit.
"So, wala ka talagang balak mag-asawa pa." Tumango tango ako.
"Dipende," kibit balikat niyang sagot.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin nang ibaba niya ang tasa na wala nang laman.
"Ikaw, kanina kapa nagtatanong ng tungkol sa'kin. Ikaw naman ang gusto kong tanungin. May nobyo ka na ba?"
I shifted on my seat and shook my head down. Nahihiya akong malaman niyang single ako at may balak akong akitin siya.
"Good, so wala pa lang magagalit kung sakaling dalawin kita dito para ligawan?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tila hindi ako handa sa balak niyang panliligaw sa'kin.
"Nagbibiro ka lang, mayor?"
He chuckled. Hindi nakaligtas sa akin ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin at malamlam na mata habang tumatawa.
"Of course not. Wala sa bokabolaryo ko ang magbiro."
Kumibot ang mga labi ko. Mukhang hindi na ako mahihirapang akitin siya kung sakali dahil siya na mismo ang kusang lumapit sa'kin.
Agad ring nagsersyoso ang mukha ng mayor kaya napawi rin ang mga ngiti ko sa labi. Unti-unti akong nakaramdam ng kaba at hiya.
"Pasensya ka na kung nabigla kita sa tanong ko."
"No, that's not a big deal. Gusto rin naman kitang makilala pa," saad ko bago ngumiti dito.
Pansin kong naliwanag ang mukha nito sa sinabi ko.
Magsasalita pa sana ito nang tumunog ang kaniyang telepono na siya naman niyang sinagot matapos magpaalam saglit.
Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan niyang binanggit. Nang kausapin ang anak nito sa telepono.
"Boaz," bulong ko.
Nang bumalik ay hindi ko mapigilang hindi ungkatin ang bagay na 'yon. "Anak mo?"
"Yeah, nagtatanong tungkol sa party," aniya.
"Uh, pasensya ka na. Mukhang na istorbo ko ang celebration ng birthday mo."
"No, no. Its nothing. Hindi naman bigdeal kung mawala ako saglit sa mismong birthday party ko."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Maya pa ay nagpaalam na rin ito nang makatanggap ng sunod-sunod na tawag mula sa kaniyang sekretarya.
"Can I get your number so I can call you?"
Namumula naman ang mukhang binigay ko ang numero ng aking cell phone. Maya pa ay nagpaalam na ito sa'kin. Bago 'yon ay hindi ko nakalimutang batiin itong muli sa kaniyang kaarawan.
Hinatid ko pa ito ng tingin bago ko mabilis na sinarado ang pinto. Pumikit ako ng mariin habang nakasandal doon, Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.
Ganito ba ang pakiramdam na may lalaking intresado sa'kin at gusto akong ligawan. Bigla kong naalala si Ben na isa sa masugid kong customer sa resto-bar. Pero gaya ng malakas na pagtibok ng puso ko ay ibang-iba rin ang nararamdaman ko ngayon para sa mayor.
Umiling ako. Hindi ako dapat magpadala sa imosyon ko. Tandaan mo Debbina kung bakit ka nandito...
Mabilis ko nang dinukot ang aking cell phone sa bulsa at ni-text si Rosario para sabihin na umuwi na.