bc

Men Of Passion #1 : Rogue Romir Consunji

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
forbidden
contract marriage
one-night stand
family
HE
love after marriage
age gap
forced
second chance
arranged marriage
playboy
badboy
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
serious
city
small town
disappearance
lies
love at the first sight
addiction
actor
substitute
like
intro-logo
Blurb

"Walang kinalaman ang obligasyon sa nararamdaman ko para sa'yo. Ngunit pagaari kita, mula ulo hanggang paa. Wether it is my birthright, or otherwise. Sa unang pagkakataon na nagtagpo ang mga mata natin, you were already mine. To love, cherish and make love to." - Rogue Romir Consunji. MEN OF PASSION SERIES #1

chap-preview
Free preview
Chapter One
IGINALA ni Maribella ang mga mata sa malawak na lupain. Humulagpos ang buhok niya sa mukha dulot ng mabilis na pagibis ng hangin, ngunit ni hindi niya ito ininda. Pinalis niya ang buhok, nagniningning pa rin ang mga mata. “Ang sarap ng hangin, Ang ganda ganda talaga dito, Juancho!” Magiliw niyang saad sa tiyuhin. Ang kaibigan ng Ama at ang siyang tagapangalaga ng rancho. Masasabing kasosyo na ito ng ama sapagka't madalas ay ito na rin mismo ang siyang punong abala sa mga gawain sa hasyenda. “Oo naman hija. Sariwa pa ang hangin dito, hindi kagaya ng nalalanghap mo sa Maynila.” Tugon nito habang nakatingin kay Maribella na mukhang aliw na aliw. “Tama ka riyan Tito. I could even feel that i've become plenty times healthier sa tuwing nangangabayo ako sa umaga. Everything's just so fresh.. and calm.” Napabuntong hininga si Maribella. “Ang hindi ko lamang maintindihan kay Papa ay kung bakit ayaw niya akong namamalagi dito.” Nagiwas ng tingin si Juancho mula sa dismayadong hitsura ni Maribella, at tinanaw ang kalayuan. Mayroong lumipas sa mga mata niya ngunit sinikap niyang huwag ipahalata. “Alam mo naman ang Papa mo hija, Ever so protetive of you. Ako man ay hindi panatag sa tuwing maiiwan ka mag-isa sa kalawakan ng lupain ninyo. Naiintindihan ko ang katayuan ng Papa mo, at sana'y maintindihan mo rin. You're his unica hija. His precious baby.” “Pero hindi na ako baby, tito juancho. I'm a lady.” Pagrarason niya. “I bet you are, and a beautiful one at that. Ang balita ko pa nga ay hindi makatulog ang iyong Papa sa kaiisip kung paano pa niya papalayuin ang marami mong manliligaw.” Juancho chuckles at Maribella ng magmake-face ito. “Dapat pala ay nagboboyfriend na ako para may bago ng problema ang Daddy.” Pilyang bungisngis ni Maribella habang nakapamaywang. “At sa isang taga-syudad? Por dios por santo, Mahihirapan siyang ipapatay ang conyo.” Umirap na lamang sa hangin si Maribella ng napatawa si Juancho. “I'm nineteen already. I will get a boyfriend, get married and have babies soon.” She stuck out her tongue at him, “Race you to the house old man!” At hinila niya ang renda ng kabayo, dahilan upang manakbo ito. HINDI na siya pamilyar sa daan na kasalukuyang tinatahak. Di hamak na mas marami na ang puno at damuhan sa lugar na iyon. Mas makakapal at nagtatayugang puno na siyang dahilan kung bakit hindi na niya halos matanaw ang bundok sa di kalayuan. Dapat ay natatakot na si Maribella sapagka't nawawala siya. Tiyak na hindi ito ang dinaraanan papuntang Hacienda de Anastasia, ngunit wala siyang makapang takot sa dibdib. Mas nananaig pa ang kuryosidad, ang excitement sa paglilibot. Ito ang unang pagkakataon na mapapagisa siya. Kung hindi si Juancho, ay ang pinagkakatiwalang tauhan sa Hacienda ang kasama niya bilang tagapangalaga ng kaligtasan niya. Sometimes, even an army of bodygurads na pawang mga maskulado at armado ng mahahabang baril. It was as if she will get mauled by a wild animal sa kagubatan, dahil labis ang pagiingat ng Papa niya. Hindi miminsang kinuwestyon niya ang pagiging over protective nito. At kung sa Maynila ay naiintindihan niya kahit papaano ang pagiging paranoid ng Ama, sapagkat isa itong kilalang businessman at madalas ay lumalabas sa mga publikasyon at sa telebisyon. Ngunit hindi yata't mas naging mahigpit ang security niya sa probinsya. Kung saan hamak na kakaunting tao ang mapeligro, kung hindi man wala. Pakiramdam niya ay mayroong tinatago ang Ama. O marahil, may pinagtataguan. Hindi lamang siya sigurado ngunit nararamdaman ni Maribella ang pagiwas nitong banggitin ang Hacienda de Anastasia at ang bayan ng Valencia. Kung bakit ay hindi niya rin malaman. Sa pagkakaalam niya'y wala naman itong atraso sa mga naninirahan sa Probinsya. Pati ang mga tauhan nito'y sinisigurado'ng maayos ang pamumuhay. Dangan lamang na tuwing Pyesta, bilang debosyon sa patron ng bayan ay umuuwi sila. Dito raw nagdasal ang mga magulang upang magkaroon ng Anak, sapagkat ang sabi ng Doktor ay walang kapasidad ang mama upang magdalang tao. Kung hindi sa pagpapasalamat ay baka hindi na muli niya masisilayan ang probinsya. Mula sa hindi kalayuan ay naulinig niya ang paglagaslas ng tubig. Sinikap niyang lingain kung saan ba nagmumula ang ingay, habang pinalalakad ang kabayo. Walang nakapagbanggit sakaniya na mayroong malapit na ilog sa Hacienda, paghihimutok niya sa sarili. Why, sa hilig niyang lumangoy ay tiyak na pinagsawaan niya ang sariwang tubig kung alam lamang niya. “You thirsty, boy?” Tinapik niya ang kabayo pagkababa mula sa likod nito. Umingit lamang ang ito, dahilan upang mapatawa siya ng bahagya. “Okay, don't worry. Sa tingin ko naman ay malapit na tayo sa ilog.” Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating sa liblib at bahagyang nakatago'ng ilog. “Woah!” Namamanghang bulalas ni Maribella. Hindi niya inasahang magiging asul na asul ang tubig. At napaka-linaw! She ought to think they were crystals imbes na tunay na tubig. Binitawan niya ang tali ng kabayo at hinayaan itong uminom. Samantalang ibinaling niya ang paningin sa kapaligiran, punong puno ng panggigilas. She never knew the small town of Valenica hid such a treasure! Ang falls ay sadyang nakakamangha. Simula sa asul na asul na tubig na kay linaw na naaaninag na niya ang ilalim, at ang rumaragasang tubig mula sa mataas na bahagi. Iniisip pa lamang niya ang pakiramdam ng paliligo sa tubig ay nababanas na agad siya. Na-aakit siyang maghubad at maglangoy. Nais samantalahin ang pagkakataon na wala siyang kasamang bantay. Magaling naman siyang sumisid, isip-isip niya habang sumusuong sa tubig. Bahagya na lamang siyang kinilig dahil sa temperatura ng tubig. Hindi gaanong malamig. Sakto lamang. Ngunit napigil ang paghakbang niya ng mayroong lumitaw na bulto ng tao. Nang una ay hindi pa makita ni Maribella ang hitsura ng lalaki, ngunit ng hayunin nito ang buhok paalis sa mukha— pigil hininga niyang pinagmasdan ang Adonis. He was gorgeous. Wala yatang sapat na salita upang ipahiwatig ang hitsura ng estranghero. Ang kulay ng balat nito'y kayumanggi, at ang katawan ay banat with toned muscles. Pinanood niya ang pagtulo ng tubig sa parte ng dibdib nito, littered with tiny hairs na nakadagdag lamang sa pagiging makisig ng binata, down to his washboard abs and disappearing lower. Napalunok siya ng wala sa sarili. Biglang nainggit sa tubig si Maribella. At gumapang muli pataas ang kaniyang mata. Sa mukha ng estranghero. To his statuesque face na tila nililok ng bihasang iskulptor. Matangos ang ilong nito na mayroong bahagyang tabingi sa puno, perhaps having been broken in a fist fight. Hindi nito nabawasan ang pagiging guwapo ng lalaki. He looked sharp, smart. At ang mga labi nito'y nangungusap ng senswal na pangako. Pangako'ng nais niyang paniwalaan at magpakawala. Sinupil niya agad ang pilyang boses sa isip. Ngunit lalo yata siyang napatunganga ng mapagtantanto na ang huwad na pagtingin niya sa lalaki ay siya ring pagdaan ng pangingin nito sakaniya, at naglalaman ng parehong intensidad. “Binobosohan mo ba ako?” Nangungunot ang noo nitong wika, ang tinig ay malalim. Maribella suddenly hiccuped.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed With Kuya Red

read
47.2K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.9K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.6K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
156.7K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook